Wednesday, December 21, 2011

Wansapanataym

"Kung pumapasok pa ako (sa school) malamang hindi ako papasok ngayon." - Ito iniisip ko nung July 2010 habang bumabagyo na sa labas pero nasa office pa ako at nagwowork. After a year, pumapasok na ulit ako sa school, tapos masarap matulog kasi malamig. Well pumasok ako, iniisip ko sayang ang tuition fee. I want to make my parents proud. 

"Paulit-ulit nalang happenings pag Christmas. Pupunta sa Malabon, magmamano sa bawat bahay at kakain. Simula nang nagtrabaho ako hindi ko na naenjoy ang pasko, wala na kasing aguinaldo." - Ito iniisip ko last Christmas. Now, nagiba na ang pasko ko, napaka layo sa Malabon. Malayo sa pamilya.

Ang galing nga eh noh, last year, I have a totally different view on things. Sa katamaran ko kung ano ano iniisip ko. Sa pagiging mukhang aguinaldo naisip ko pang humiwalay pag Pasko. It's amazing that everything changed in  just a year. I am really happy for this experience. Parang ang galing galing ni God na naka-plan lahat to. He used this experience for me to learn a lot of things. 

Ngayong malayo ako sa pamilya ko mas navavalue ko yung mga tao or  bagay na naiwan ko. Kay mommy at daddy, ngayon ko lang nasasabi sa kanila na miss ko na sila at love ko sila. Sa kuya ko, dati naiinis ako sa kanya lagi kasi puro GF ang inaatupag, ngayon sobrang excited ako for them ni Aiza for their wedding, and nalulungkot ako kasi I missed the chance nung in-announce nya yun sa bahay. Si Tin kahit halos araw araw kami nagaaway sa mga small things ngayon ko sya namimiss ng sobra, gusto ko sya kamustahin, tanungin about love life, work and problems. Funny thing, when I was in class and the lecturer told us to think of the best job, I thought of a job doing nothing and still having a salary. Never sumagi sa utak ko na I had the best job, imagine nakaupo ka lang pumapatak na metro ng sweldo mo, eh dati puro ko reklamo sa trabaho ko. Sobrang dami kong natututunan. Sobrang dami kong narerealize.

I am so blessed. Thank You Papa Jesus!

No comments:

Post a Comment